dahil may nagrerequest ng mahabang entry, o eto.. pipilitin ko na magkaron ng isa nanamang makakabagbagdamdaming essay na tila isang pulitzer prize winning work of art(e). [kung sino man un, may bayad to]
at dahil may isang tao na pumunta dito kagabi at marami rami rin kaming napag usapan, napag nilaynilayan, napag tawanan, napag refelect(an) at napag double-meaning(an) [as always], eto na. [at kung sino man un.. sino ka nga ba? Hahaha joke]
at dahil meron akong "the art of sentifying" [at gusto ko lang linawin na wala talagang word na ganun (so kung sino ka mang nagsuggest ng sentifying na word, tsk.. npahiya pa tuloy ako. hehehe joke lang)] ung title nito ngayon ay THE ART OF WRONG TIMING.
napag alaman ko na may isang napaka wais na atenista na inihain ang katanungang ito sa madla:
"bakit ba ang mga babae nanghahabol pag malapit nang iwanan?"
at ang masasgot ko lang diyan ay eto: nangyayari ito dahil marahil, hindi namin alam kung ano ang meron kami at gano nga ba siya kahalaga para samin hanggat sa mawala na siya. that's an honest answer (coming from a person na naranasan na ito? hahaha.. UY HINDE AH!!! :D) i guess its as simple as that.
For the guys out there na hindi maintindihan kung bakit at first masyadong pahard to get ang mga babae at para sa inyo ay nagpapahabol (until its too late), gusto ko lang sabihin na hindi “hard to get” at “nagpapahabol” ang terms na dapat gamitin. Ang mga babae, OBSERVANT. gusto namin malaman ang tunay na intentions niyo (guys, believe me, kung babae kayo, madedevelop talaga ang senses niyo at magiging scientist kayo sa kaoobserve). Put yourselves in our shoes. matutuwa ba kayo kung malaman niyo na gusto lang kayo ng isang tao dahil sa looks? (ehem) dahil sa katawan? (ehem ehem) o kaya dahil sa madali kayong makuha at wala masyadong challenge? (EHEM EHEM EHEM) kailangan malaman ng girl ang intention/s ng guy kaya nag sila oobserve (hindi nagpapahabol).. and during those “moments of observation” (aka ligaw period), dito na nakikilala ng girl (itago na lang natin siya sa pangalang INDAY) ang tunay na ugali ng guy (NONOY).
okay nga ung pag observe. wala naman yatang masama dun. besides, ayon nga sa kadiskusyon ko kagabi, madalas mas gusto rin ng guys ung may challenge. yung mahirap makuha. pero masasabi ko lang, be careful what you wish for. maraming possibilities yung hinaing na yan. isipin niyo lang ha.
case 1: may challenge, alam ni Inday na gusto siya ni Nonoy, nag observe ng onti, napasagot si Inday, fulfilling, edi ayos.
case 2: may challenge, alam ni Inday na gusto siya ni Nonoy, observe ng observe si Inday, challenged na challenged at hintay ng hintay si Nonoy, ano na nangyari?
case 3: may challenge, hindi alam ni Inday na may gusto pala sa kanya si Nonoy dahil all along akala niya friendly lang talaga ang approach niya.ayaw naman ni Inday mag assume na may gusto si Nonoy sakanya kasi wala naman siyang sinasabi, so challenged na challenged si Nonoy at dahil sa sobrang niyang tagal na paghihintay, nakapagmove on na siya at nakahanap ng iba, at eto namang si Inday, nung pawala na si Nonoy, bigla niyang nalaman na may gusto pala sa kanya si Nonoy for the longest time at huli na ang lahat. hay.
joke lang yung case 3. never pa nangyari yan sa balat ng lupa. ever. hahaha.
wrong timing?
gano nga ba dapat katagal ang "observation period"?
yan ang hindi ko alam. i guess if its really meant to be, all things would fall in place, parang perfect mango na nahuhulog sa puno. so personally, para hindi na maulit este, MANGYARI ung cases 2 or 3, eto ang advice ko:
on the GUY'S part, dapat pinapaaalam muna ng guy sa girl na gusto niya nga to. (ehem) alam ko mahirap to gawin pero wala naman talagang mawawala sa lalaki kung gawin niya to e. and at least the guy gets it off his chest na. hindi ba weird yun kunwari nag assume na lang bigla si Inday na "shet, sure na sure ako may gusto talaga sakin to" tapos it turns out na wala naman talaga? mabuti nang malinaw ang lahat, honest si Nonoy, walang false assumptions, misunderstandings, expectations, miscommunications, hasty generalizations, ad misericordiam at poisoning the well. haha labo. basta yun na yun. also, dapat pinaninindigan ni guy ung decision niya. hindi naman pwede na sabihin niya na gusto niya si Inday tapos wala naman siyang gagawin. edi yung girl na ung nachallenge. come on! labuan to the highest level na yan.
on the GIRL'S part naman, once alam na ni Inday na gusto siya ni Nonoy, she should be sensitive enough to recognize the his efforts (hindi naman pwedeng nagmamaang mangan at nagbubulag bulagan si Inday eh alam niya na nga at ang obvious na ng mga ginagawa ni Nonoy. todo pakipot naman un). second, she should be aware of his limitations (hindi rin pwedeng sobrang hard to get.. kawawa naman.. magastos rin manligaw at maraming sacrifices ung ginagawa ni Nonoy para lang mapasay si Inday) and since Nonoy was honest enough to tell her his feelings, she should also be honest and tell him what she feels for him, kung yes man or no, kasi kahit no, at least the girl won't keep him guessing hanggat sa maging lolo't lola na sila eh umaasa at naghihintay pa rin si Nonoy. Kawawa naman siya.
ayon nga sa hitch, its so hard to fall in love. complicated talaga to. parang ang daming patakaran, ang daming proseso at kaekekan, ang daming kailangan gawin, sabihin, iyakan, itago, asahan, balikan, bigyan, kunan, palitan, pagdesisyunan, paghandaan, pag isipan, maramdaman at makalimutan. pero kahit ganito, kahit ang hirap niyang intindihin bakit nga ba ito pa rin ang hinahanap ng lahat ng tao? yan ang isang tanong na hindi ko pa rin alam yung sagot hanggang ngayon. ika nga kay mommy nuts, LOVE MAKES AND LOVE BREAKS. madalas mangyari na kung nandyan, hindi napapansin. pag nawala, hinahanap. pag mahirap makuha, inaasam. pag madali, pinababayaan. pag pinupuntahan, nilalayuan at pag iniiwan, binabalikan. ang labo no? hindi talaga makontento ang puso. wrong timing talaga. tsk.